FF: Kahel

October 28, 2014 at 2:26pm

Bahagya pa’y niyakap niya ang kanyang ina.

“Tahan na po, inay.”

Ni hindi magawang umimik ng kanyang ina.

“Anak…ano’ng gagawin natin?”

“Hayaan ninyo na lamang po inay…”

At muli pa’y niyakap niya nang ubod ng higpit ang kanyang ina.

Tumayo siya. Tumalikod.

Hindi na siya muling lumingon.

Wala nang ibang nakita ang kanyang ina kundi ang letrang “P” sa likod ng kulay kahel niyang damit.


Comments

Leave a comment