Category: CNF
-
Ako at CNF: Nasaan na tayo?
Hindi talaga ako pala-basa growing up. Bukod sa wala naman talaga sa budget ng pamilya ang bumili ng nobela o magasin na pwedeng basahin, hindi ko pa rin noon alam na may mga preloved bookshops pala. National Bookstore lang talaga ang kilala kong bilihan ng libro, at sa amin, ang pagpunta sa National ay nangangahulugang…
-
Isang Linggong Pag-barik*
Lunes: Isa-isang hinipo at hinawak-hawakan mo kung aling kasagutan ang magbibigay ng lakas ng loob na kakailanganin mo. Smirnoff ang nagwagi. May iba itong tamis. Gusto mo pang sipsipin ang iyong labi sa bawat lagok. Gusto mong kaladkarin ng lasang hindi pumapait. Ngunit nagkamali ka na naman. Ilang segundo at may pagpait na sa lasa.…
-
Pahapyaw na Pag-amin: Kung Bakit Ako Selosa*
*naisulat ko ito noong June 28, 2014 Minsan may nagsabi sa aking sakim raw ako. Masyado raw akong gahaman sa posisyon ko sa buhay ng isang tao, na ultimong hindi ko teritoryo sa buhay niya ay inaangkin ko. Sakim raw ako. Sakimβang siyang pinag-uugatan ng aking pagiging selosa. Walang magandang dahilan na maipangdedepensa sa pagiging…
-
Sukat Akalain
Sa βdi na mabilang na pagkakataon, may iba talagang sensasyon sa akin kapag sinusukatan ako ng mananahi gamit ang kanyang medida. Mula kaliwang dulo ng aking balikat pakanan; mula sa may batok pababa sa may gulugod. May kakaiba pang kiliti kung bahagya niyang papatagin ang medida para matantsa kung sapat na ba o lalagyan pa…